
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may mga persons of interest na sila sa kaso ng pagpatay sa tatlong goat traders mula Calatagan, Batangas na nagtungo sa Maguindanao del Sur bago ang halalan nitong Mayo.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, tinututukan ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ang mga taong nakatransaksyon ng mga biktima sa pagbebenta ng kambing.
Matatandaang natagpuan ang bangkay ng tatlo noong Mayo 30 na nakalibing sa isang rubber plantation sa Barangay Nabundas, Shariff Saydona Mustapha.
Kasunod nito, hinihikayat ng PNP ang publiko na magbigay ng anumang impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon upang mabigyan ng hustisya ang mga nasawing biktima.
Facebook Comments