
Itinuturing ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na tagumpay ang resulta ng unang pag-co-convene ng Senado kagabi bilang impeachment court.
Ito’y matapos na manaig ang mayorya ng mga senator judges na nagnanais na ibalik sa Kamara ang articles of impeachment kung saan kailangang sertipikahan na wala silang nilalabag sa Konstitusyon at tiyakin sa 20th Congress ang pagtawid ng impeachment trial nang hindi dini-dismiss o tine-terminate ang kaso.
Ayon kay Dela Rosa, dahil inaprubahan ng impeachment court ang kanyang mosyon, nangangahulugan lamang na sumasangayon ang hukuman sa kanyang privilege speech.
Naniniwala si Dela Rosa na para na ring dinismiss ang kaso pero malinaw na ibabalik ito sa Mababang Kapulungan pero hindi ito magreresulta sa dismissal.
Duda ang senator judge kung makakapagbigay ng patunay ang prosekusyon na hindi nila nilabag ang Konstitusyon partikular sa one year ban rule na paghahain ng impeachment complaint.
Kailangan din aniyang matiyak ng prosekusyon na handa ang 20th Congress na ituloy ang impeachment subalit sa Hulyo o sa pagbubukas ng sesyon pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) pa nila ito magagawa.