
Sinimulan nang ipadala nang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Notice of Violation sa mga nahuli at napatunayang lumabag sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ipinadala ito ng MMDA Motorcycle Unit sa mga address na nakarehistro sa sasakyan na nakatira sa Metro Manila at base sa records ng Land Transportation Office (LTO).
Habang ang mga may address sa labas ng National Capital Region (NCR) ay ipinadala rin sa pamamagitan ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) alinsunod pa rin sa records ng LTO.
Matatandaang sinabi ng MMDA na umabot sa 8,586 ang naitalang nahuli sa NCAP simula nang ipatupad ito, noong May 26 ay umabot lamang sa 4,100 ang kumpirmadong nahuli.
Tinitiyak ng MMDA na dumaraan sa manual review at verification ang mga nakukunan ng camera para masigurong tama ang huli sa mga ito na base sa ginawang pag-re-review sa mga paglabag na nakunan ng camera.