HALOS P7M HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NARECOVER SA DAGAT SA CURRIMAO, ILOCOS NORTE 

Isinangguni ng isang turista sa awtoridad ang napansing nakabalot na plastik na napadpad sa sea rock formation, sa Brgy. Pangil, Currimao, Ilocos Norte.

 

Kinumpirma ng awtoridad na ito ay isang kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng abot P6,800, 000. Katulad ng mga naunang natagpuang palutang-lutang sa katubigang sakop ng Pangasinan, nakaimprenta ng imahe ng durian at may sulat na mga chinese characters.

Nasa kostudiya na ito ngayon ng awtoridad, habang patuloy pa ang malalimang imbestigasyon kaugnay nito.

Samantala, muling pinaalalahanan ang publiko lalo na ang mga residente sa coastal communities na maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang matagpuang bagay sa dagat, at huwag magdalawang-isip na ipagbigay-alam sa kinauukulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments