CSC, naglabas na ng listahan ng topnochers sa pen and paper test noong Marso

Inilabas na ng Civil Service Commission (CSC) ang listahan ng mga nanguna sa katatapos lang na Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) na isinagawa noong Marso 2, 2025.

Nanguna sa pagsusulit si Charina Mae Tigbayan mula sa National Capital Region (NCR) na nakakuha ng 97.91 sa Professional level.

Sinundan siya ni Joshua Cabangon na mula rin sa NCR at nakakuha ng 97.56 na rating.

Kabilang din sa topnocher sina Isaiah Gil Ortiz (NCR), 97.24; Mica Maurine Adao (NCR) 97.22; Frances Diana Serrano (Region IV) 96.95; Isza Marie Socorin (Region XII) 96.93; Carlo Fornoles (Region V) 96.92; Jan Alfred Vincent Ferrer (Region III) 96.89; Rodel. Francisco (NCR) 96.88; at Monique Coching (NCR) 96.86.

Para sa Subprofessional level, nanguna si Gerald Son B. Borilla III mula sa NCR na may 97.19, at sinundan ni Reid Chrysler C. Manares na mula sa Region XII na may rating na 96.26.

Pasok din sa listahan sina Lenard F. Maramba (Region V) na may 95.72; Shiela Shanne E. Macol (Region VII), 95.70; Ron-Ron M. Nochite (Region IV), 94.72; Jefferson Roi M. Barabad (Region VIII), 94.50; Jocoson O. Buahon (Region II), 94.44; Herlene B. Alejan (NCR), 94.33; Raquel Aira A. Diolata (NCR), 94.23; at Archaea N. Arturo (NCR), 93.60.

Sa regional performance naman, ang NCR ang nakakuha ng highest passing rate.

Para sa professional level, nakakuha ang NCR na passing rate na 20.40%, na may 8,206 passers mula sa 40,217 examinees.

Maging sa Subprofessional level, nanguna rin ang NCR na may 15.31% passing rate, o 933 passers mula sa 6,095 examinees.

Pasok din sa highest passing rates ang Region V (19.30%), Region IV (18.75%), at Region II (17.74%).

Facebook Comments