Tinanggap ng Department of Education (DepEd) sa Rehiyon ng Ilocos ang humigit-kumulang 677,000 mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 12, ayon sa datos ng mga enrollees para sa taong panuruan 2025–2026.
Ayon kay Dr. Cesar Bucsit, administrative officer ng DepEd-Ilocos, maaaring magbago pa ang bilang habang nagpapatuloy ang enrollment.
Samantala, upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, nag-deploy ng mga pulis ang Police Regional Office 1 (PRO1) sa mga paaralan bilang bahagi ng Oplan Balik Eskwela 2025.
Naglagay din ng 175 public assistance desks ang mga ito sa buong rehiyon kung saan nakatalaga ng 56 sa Pangasinan, 45 sa Ilocos Norte, 38 sa Ilocos Sur, at 36 sa La Union. Mahigit 1,400 pulis ang naka-assign sa mga desk, mobile at foot patrol para sa mas pinaigting na seguridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣